BAGONG ALERT LEVEL SYSTEM SA COVID-19 IPATUTUPAD; NCR ILALAGAY SA ALERT LEVEL 4

BAGONG ALERT LEVEL SYSTEM SA COVID-19 IPATUTUPAD; NCR ILALAGAY SA ALERT LEVEL 4

ILALAGAY ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 4 sa pag-uumpisa ng pagpapatupad ng bagong COVID-19 Alert Level System ng pamahalaan.

Ito ay dahil sa kasalukuyang nasa ‘high-risk classification’ pa rin ang NCR kasama na ang ‘intensive care utilization’ sa rehiyon.

“NCR is currently at high risk case classification as it maintains a moderate risk two-week growth rate (TWGR) and high risk average daily attack rate (ADAR),” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ipinaliwanag nito na tumaas pa sa 39.09 ang ADAR mula sa 30.44 noong nakaraang linggo habang ang ICU utilization ay naitala sa 77.5% na high-risk din habang malapit na rin sa high-risk ang bed utilization na nasa 69.5%.

Ang Alert Level 4 ang ikalawang pinakamataas na alert level. Nasa ‘high’ at patuloy na tumataas ang transmisyon ng virus habang high rin ang ICU at bed utilization.

Sa Alert Level 1, mababa at patuloy ang pagbaba ng impeksyon at mababa rin ang health care utilization; sa Alert Level 2, mababa pa rin ang impeksyon ngunit ang health care ay mababa pero tumataas; sa Alert Level 3, mataas na ang impeksyon at patuloy na tumataas habang tumataas na rin ang healthcare utilization.

Sa Alert Level 5 naman, dito nakakaalarma na ang hawahan ng virus at kritikal na ang healthcare utilization rate.

Leave a Reply

%d bloggers like this: