DAGDAG BAKUNA SA HEALTHWORKERS, IGINIIT

DAGDAG BAKUNA SA HEALTHWORKERS, IGINIIT

Naghain ng isang resolusyon sina dating House Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang mga kaalyado sa Kongreso na nananawagan sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na magbigay ng booster o karagdagang bakuna sa healthcare workers at mga immunocompromised o iyong mga lubhang mahina ang resistensya.

Kasama sa mga lumagda sa House Joint Resolution No. 40 sina Tagig 2nd District Rep. Maria Laarni Cayetano, Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor, Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu at Bulacan 1st District Rep. Jose Antonio “Kuya” Sy-Alvarado.

Ayon sa mga kongresista, ito ay matapos makapagtala ang Pilipinas ng 26,303 kaso ng COVID-19 noong Setyembre 11, ang pinakamataas na naitala sa isang araw ang bilang ng mga positibong kaso sa bansa, na iniuugnay ng mga eksperto sa lubhang nakakahawang Delta variant ng coronavirus.

“Nearly two years into the pandemic, the Philippines has struggled to vaccinate more than a small fraction of its population due to shortages in supply,” ayon sa naturang resolusyon.

Nakapaloob din sa resolusyon, isang “moral imperative and a practical necessity to prevent the collapse of our healthcare system” ang pagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga bulnerableng indibidwal at sa mga frontliner na pinakalantad sa virus.

“It is vital to protect our healthcare workers, so that they may, in turn, take care of COVID-19 and non-COVID-19 patients. With hundreds of hospitals in the country nearing full capacity and our healthcare workers having to attend to more patients and extending working hours as a result of recent rise in positive cases, we cannot afford a further shortage of our health manpower as a result of our healthcare workers being infected with the virus,” ayon sa resolusyon.

Sa tala anila ng World Health Organization (WHO) na nasa 23,611 Pilipinong healthcare workers na ang nagpositibo sa COVID-19 sa katapusan ng Agosto.

Sa kabila umano ng mga programa ng gobyerno upang mas maagang bakunahan ang mga frontline healthcare worker simula Marso 2021, hindi pa rin naaabot ang kabuuang immunity sa kanilang hanay.

Naila, ang isang pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik sa China tungkol sa antibody prevalence o antas ng kakayahan ng katawan na labanan ang impeksyon sa mga indibidwal na nabakunahan ng Sinovac, ang pinakalaganap na bakuna kontra COVID-19 sa bansa.

Ayon sa naturang pag-aaral, bumababa ang bisa ng bakunang Sinovac lampas sa isang susing threshold o palatandaan anim na buwan matapos ang ikalawang turok.

Naunang kinumpirma ng Malacañang noong Agosto 19 na maglalaan ang pamahalaan ng P45 bilyon sa 2022 national budget upang makabili ng booster o karagdagang mga bakuna.

Leave a Reply

%d bloggers like this: