INDOOR AT OUTDOOR DINING PWEDE NA, PERO LIMITADO PA RIN

INDOOR AT OUTDOOR DINING PWEDE NA, PERO LIMITADO PA RIN

PAPAYAGAN na ang indoor at outdoor dining sa mga restoran na may akreditasyon mula sa Department of Tourism ngunit sa limitadong kapasidad lamang kasabay ng implementasyon ng Alert Level 4 classification sa Metro Manila.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ‘welcome development’ ang pinabagong resolusyon ng Inter-Agency Task Force dahil sa pinapayagan na rin ang limitadong dine-in capacity at ‘inter-zonel leisure travel’.

Pero nilinaw ni Puyat na hindi pa rin kasama sa mga papayagan para sa leisure travel ang mga menor de edad at ang lagpas 65-anyos pataas.

Sa ilalim ng kasalakuyang guidelines, ang outdoor o al fresco dine-in ay papayagan hanggang 30 percent capacity, habang ang indoor dine-in ay hanggang 10 percent lamang at para sa mga fully-vaccinated. Makatutulong umano ito sa pagbuhay sa ekonomiya habang tinitiyak ang kaligtasan ng mga tourism workers at mga kustomer.

Sinabi pa ng kalihim na 99% na ng mga tourism workers sa mga hotels sa Metro Manila ang bakunado na habang 94% sa mga DOT-accredited restaurants ang nabakunahan na.

Ngunit lahat ng tourism-related establishment sa National Capital Region gaya ng staycations, indoor visitor o mga tourist attractions at indoor venues para sa mga meetings, incentives, conferences, at exhibition ay bawal pa rin sa ilalim ng Alert Level 4.

Leave a Reply

%d bloggers like this: