MICHAEL YANG MAAARING BANTAYAN, PERO DI AAWATIN KUNG LALABAS NG PILIPINAS

MICHAEL YANG MAAARING BANTAYAN, PERO DI AAWATIN KUNG LALABAS NG PILIPINAS

MAGPAPALABAS ng ‘immigration lookout bulletin order’ ang Department of Justice (DOJ) laban kay dating presidential adviser Michael Yang upang matukoy ang galaw nito kung sakaling lalabas ng bansa.

“As requested, the DOJ will issue an immigration lookout bulletin order (ILBO) on the person of Michael Yang, also known as Yang Hong Ming,” ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ngunit ang ILBO ay hindi katulad ng ‘hold departure order (HDO)’ na maaaring hadlangan ang paglabas sa bansa ng sinumang indibidwal.

Una nang inilagay sa ILBO sina dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao, Atty. Warren Rex Liong, Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Linconn Ong, at Mohit Dargani. Ito ay makaraan ang kahilingan ni Senate President Vicente Sotto III.

Si Lao ang itinuturong siyang ‘in charge’ sa maanomalya umanong ‘procurement contracts’ sa pagitan ng Pharmally na kontrolado ng mga Tsinong negosyante habang si Liong ay dating director ng Department of Budget and Management-Procurement Service at ngayon ay overall Deputy Ombudsman, habang ang anim sa talaan ay mga opisyal ng Pharmally

Leave a Reply

%d bloggers like this: