P2,000 DAGDAG INSENTIBO SA MGA GURO, ISINUSULONG

P2,000 DAGDAG INSENTIBO SA MGA GURO, ISINUSULONG

Magandang balita para mga guro ang nais na mangyari ng isang kongresista na pagkalooban ang mga ito ng buwanang insentibo.

                Sa inihaing House Bill 10174, o “Distant Public School Teachers Incentives Act,” ni Quezon City Rep. Alfred Varga, sinabi nitong karamihan sa mga guro ay nagtuturo malayo sa tirahan nito ay awtomatikong nababawasan ang sahod ng mga ito sa dagdag sa pamasahe at pagkain.

                “It is the hope of this measure to properly recognize and compensate our public school teachers who dedicate their lives to promoting quality and accessible education amidst the hardships of being assigned outside of their residence,” sabi ni Vargas.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ang mga public school teachers na maitatalaga sa lungsod o sa munisipalidad at malayo kung saan ito nakatira ay mabibigyan ng karagdagang monthly incentive allowance na nasa P2,000.

Samantala, ang mga guro naman na maitatalagaa sa lungsod o munisipalidad sa mga lalawigan ay makakatanggap ng P4,000 monthly allowance.

Subalit maaaring mawala ang incentive allowance sa oras na ang mga guro ay nakabalik na sa orihinal at malapit sa bahay ng mga ito

Leave a Reply

%d bloggers like this: