PACMAN RUMESBAK KAY QUIBILOY; P100 MILYONG KASO ISINAMPA

PACMAN RUMESBAK KAY QUIBILOY; P100 MILYONG KASO ISINAMPA

SINAMPAHAN ng P100 milyong libel at cyberlibel case ni Senador Manny Pacquiao si Pastor Apollo Quiboloy sa Makati City Prosecutor’s Office dahil sa mga alegasyon ng korapsyon sa isang proyekto sa lalawigan ng Saranggani.

Sa 13-pahinang reklamo, humihingi si Pacquiao ng P100 milyon bilang kabayaran sa damages bukod pa sa bayad sa abogado dahil sa umano’y paggamit ni Quiboloy sa kaniyang kapangyarihan at impluwensya para magpakalat ng fake news at pekeng impormasyon.

Nag-ugat ang reklamo ng senador sa sa isang “television at social media post” ni Quiboloy na nag-aakusa kay Pacquiao sa paglustay ng pondo sa hindi natapos na Sarangani Sports Training Center.

Nagkakahalaga umano ang proyekto ng P35 bilyon ngunit nagpakita si Quiboloy ng mga sira-sirang bleachers at nagtataasan nang mga damo.

“He used this deliberate falsehood to brainwash the minds of the Filipino public, recklessly propagating and blacken the image and reputation of an honest public servant. He ven had the audacity to quote the Holy Son in furtherance of his lies, misleading his flock, and confusing the public, with the end in view of blackening a reputation, ” ayon sa kampo ni Pacquiao.

Iginiit ni Pacquiao na ang sinasabing P35 bilyon ay inilaan para sa Philippines Sports Traning Cente sa Bataan at walang kinalaman ang senador sa proyekto. Ang ipinakita rin umanong sira-sirang gusali sa video ni Quiboloy ay kuha ng lumang pasilidad ng Sarangani Province Sports Comples.

Si Quiboloy ang pinuno ng sektang Kingdom of Jesus Christ, may-ari ng Sonshine Radio at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

%d bloggers like this: