POE SA WATER FRANCHISES: TIYAKIN ANG MAS MAAYOS NA SERBISYO

POE SA WATER FRANCHISES: TIYAKIN ANG MAS MAAYOS NA SERBISYO

PINATITIYAK ni Senador Grace Poe sa dalawang water franchises ang maayos na serbisyo para sa ligtas na tubig at pagsasaayos pa ng kanilang serbisyo sa panahon ng pandemic.

“With the grant of this franchise, nawa’y tuluyan nang dumaloy ang ginhawa at maramdaman ng bawat Pilipino ang ‘care in every drop’,” pahayag ni Poe, chairperson ng Senate committee on public services sa kanyang sponsorship speech sa Maynilad at Manila Water franchise bills.

“We are for the continuity of water services and we have continuously reiterated to our concessionaires our expectation for a better water provider in the new normal,” dagdag ni Poe.

Ang dalawang water concessionaires ay nabigyan ng concession agreements noong 1997 para sa delivery ng water at sewerage services.

Sa kasalukuyan ang Maynilad ay nagseserbisyo sa West Zone ng Metro Manila sa lalawigan ng Cavite, habang ang Manila Water ay nagseserbisyo sa East Zone ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

“Sa ilalim ng bagong kasunduan, walang pagtaas sa presyo ng tubig sa NCR hanggang Disyembre ng susunod na taon,” diin ni Poe.

“Ang mga concessionaire ay kinakailangang magkaroon ng alternatibong water supply tuwing may scheduled interruption. Kung ito naman ay biglaan, kailangan ay maibalik ang supply ng tubig anim na oras matapos ang notice, at dapat ay may updates sa mga consumers ukol sa progreso nito,” dagdag nito.

Binalaan din ni Poe ang mga kumpanya na maparurusahan ang mga kumpanya na hindi susunod sa polisiya.

“This is the first time this Committee under my chairmanship will be granting a franchise to a water concessionaire. So for good measure, apart from the House bill transmitted to us, we made use only of the standard provisions in franchises that we have already deliberated and passed on the floor,” dagdag pa ni Poe.

Leave a Reply

%d bloggers like this: