2 POSITIBONG KASO NG COVID-19, LOCKDOWN AGAD

2 POSITIBONG KASO NG COVID-19, LOCKDOWN AGAD

INAASAHANG magiging sobrang higpit umano ng ipatutupad na ‘granular lockdown’ ng pamahalaan mula Setyembre 16 dahil sa agad na ipasasara ang isang kalsada sa oras na makatukoy ng dalawang positibong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council (MMC), ipatutupad ang mga lockdowns sa mga kabahayan, gusali, kalsada, at subdibisyon na kakikitaan ng biglaang pagtaas ng mga kaso. Tatagal ang ipatutupad na lockdown ng hanggang 14 na araw.

“Katulad po sa isang floor ng isang condominium… basta magkaroon lang po ng isa pong case doon, ‘yong mismong isang floor na ‘yon ay puwede na po nating i-lock down po ‘yan,” paliwanag ni Olivarez.

“Isang bahay, puwede po nating i-lock down basta magkaroon lang po ng isang case po sa isang bahay. Kapag po sa kalsada, sa isang sitio po, mag-2 lang po ng case doon ay puwede na po nating magkaroon ng lockdown po d’yan para po ma-implement din,” dagdag niya.

Habang naka-lockdown naman, tinitiyak naman nila na magsasagawa ng ‘mass testing, contact-tracing at isolation’ sa mga apektadong residente.

Ngunit hindi na magbibigay ang pamahalaan ng perang ayuda ngunit pagkain na lamang upang hindi na lumabas ng kanilang bahay ang mga nasa ilalim ng lockdown.

Leave a Reply

%d bloggers like this: