BABALA NG TERROR ATTACKS, DAPAT SERYOSOHIN

BABALA NG TERROR ATTACKS, DAPAT SERYOSOHIN

Dapat na seryosohin ng pamahalaan ang inilabas na babala ng gobyerno ng bansang Japan hinggil sa posibleng pag-atake ng mga teroristang grupo sa mga bansa sa Southeast Asia.

Ito ang panawagan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairperson ng House strategic intelligence committee, sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP)  at sa iba pang ahensya ng pamahalaan.

“Our sense is, it is best for all of us to take the alarm seriously and heighten our vigilance. Our security forces should take all the necessary precautions. Hundreds of Japanese corporations are heavily invested in the Philippines and the rest of Southeast Asia. It goes without saying that Japan devotes considerable intelligence gathering to look after these interests, including the Japanese citizens working in the region,” sabi ni Pimentel.

Giit ng kongresista, nang huling maglabas ng babala ang isang dayuhang gobyerno sa posibleng pag-atake ng teroristang grupo ay nangyari tulad ng tangkang pag-atake ng ISIS-linked Abu Sayyaf Group na dumukot sa mga dayuhang turista sa Inabanga, Bohol noong Abril 2017.

“The last time a foreign government openly warned of a possible terrorist attack in the Philippines, an incident actually happened,” ani Pimentel.

Nabatid na nagpalabas ang Foreign Ministry ng Japan ng babala sa mga kababayan nito na umiwas sa mga matataong lugar tulad ng religious sites sa anim na bansa sa Southeast Asian nations kabilang ang Pilipinas, Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand at Myanmar dahil sa posibleng pag-atake sa pamamagitan ng suicide bombings.

Sa Pilipinas, maraming Japanese consultants ang nagtatrabaho sa malalaking construction projects kabilang ang pagtatayo ng bagong railways na pinondohan ng soft loans mula sa Japan’s International Cooperation Agency (JICA).

Gayundin, ilang Japanese executives at staff nito ay nagtatrabaho sa maraming kumpanya sa Philippine export processing zones

Leave a Reply

%d bloggers like this: