BUDGET NG GOBYERNO, DAPAT TUTUGON SA COVID 19 PANDEMIC

BUDGET NG GOBYERNO, DAPAT TUTUGON SA COVID 19 PANDEMIC

IGINIIT ni Senador Sonny Angara na dapat maging flexible ang proseso sa pagbalangkas sa 2022 national budget upang matugunan ang mga pangangailangan sa panahon ng pandemya.
Bilang chairman ng Senate Committee on Finance, napansin ni Angara na marami sa mga kailangang programa ng mga ahensya ng gobyerno para sa susunod na taon ang hindi nakalatag sa proposed 2022 national budget.
Partikular na tinukoy ni Angara ang mga programa na tutugon sa COVID 19 pandemic.
Sa briefing ng Development Budget Coordinating Committee briefing ng Senador sa proposed P5.024 trillion 2022 national budget, inamin ng Department of Budget and Management (DBM) na walang probisyon para sa pagbabakuna sa kabataan, special risk allowance (SRA) sa health workers, at iba pang items para sa COVID 19.
“With the emergence of Delta and the other COVID variants, the requirements of our frontline agencies are constantly moving. The situation is changing rapidly and so must our processes pertaining to the submission of the national budget,” saad ni Angara.
Sa vaccination program, binigyang-diin ng DBM noted na may nakalaang budget para sa booster shots na aabot sa P45 bilyon  sa ilalim ng unprogrammed fund at hindi para sa pagbabakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 17 anyos.
Para naman sa SRA, hindi kasama sa inilalatag na pondo para sa 2022 ang benepisyo para sa mga health workers gayung nag-expire na ang Republic Act 11519 o ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) kung saan ito nakasaad.
Wala ring malinaw na item para sa budget sa susunod na taon para sa testing at contact tracing na sa tingin ni Angara at ng ibang senador ay dapat na pondohan bilang mahalagang bahagi ng paglaban sa COVID 19.
Sa tingin din ni Angara, kailangang maisama rin sa nation budget ang ayuda partikular sa mga lugar na isasailalim sa lockdown.
Para sa mga micro, small at medium enterprises, dapat mag-alok din ang gobyenro ng low-interest loans katulad ng inilagay na programa sa Bayanihan 2.

Leave a Reply

%d bloggers like this: