FILING NG CERTIFICATE OF CANDIDACY SA NATIONAL POSITIONS, SA HOTEL TENT GAGAWIN

FILING NG CERTIFICATE OF CANDIDACY SA NATIONAL POSITIONS, SA HOTEL TENT GAGAWIN

WALA nang “fiesta mood”, walang parada at walang ingay.  Wala ring pagtitipon ng maraming tao.

Ito ay dahil sa halip na sa punong-tanggapan ng Commission on Elections (Comelec), sa isang tent sa labas ng isang hotel sa Pasay City isasagawa ngayong Oktubre ang pagsusumite ng ‘certificates of candidacy (COC)’ ng mga tatakbo para sa nasyunal na posisyon sa darating na halalan sa Mayo 2022.

“The filing of the certificates of candidacy for national positions will be at Sofitel, at one of its tents,” ayon kay Comelec executive director Bartolome Sinocruz Jr.

Ikinatwiran niya na hindi tulad sa Comelec Office sa may Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila, magiging bukas ang mga pintuan ng teant, at may sapat na bentilasyon. Mayroon ring sapat na mga espasyon na hahatiin para sa mga tatakbo bilang pangulo, ikalawang pangulo, mga senador at party-list.

Ito ay bilang pag-iingat pa rin na magkaroon ng hawahan ng COVID-19 lalo na at sa mga nakalipas na okasyon ay ginagawang tila Fiesta ang pagsasampa ng COCs ng mga kandidato.

Bibigyan naman ng Comelec ng awtoridad ang mga lokal na opisyal ng Comelec na pumili kung saan nila nais isagawa ang pagsusumite ng COCs ng mga lokal na kandidato.

Nakatakda ang pagsusumite ng COCs mula Oktubre 1 hanggang 8 habang mag-uumpisa naman ang ‘campaign period’ mula Pebrero 8, 2022 hanggang Mayo 7, 2022.

Leave a Reply

%d bloggers like this: