PFIZER VACCINE MAARI NANG MABILI SA BOTIKA SA 2022

PFIZER VACCINE MAARI NANG MABILI SA BOTIKA SA 2022

KAILANGANG samantalahin na ng publiko habang libre angmga bakuna kontra COVID-19 dahil sa nakikita ng  Food and Drugs Authority (FDA) ng Pilipinas na mag-aaplay na para sa ‘commercial release’ ang Pfizer sa 2022 para mabili na sa mga botika.

Inihayag ito kahapon ni FDA Director General Eric Domingo ngunit mangyayari ito kapag kumuha muna ang Pfizer ng awtorisasyon mula sa European Union bago isunod ang ibang mga bansa.

Base rin ito sa ibinigay na “full approval” ng US FDA sa Pfizer at German partner nito na BioNTech upang maging kauna-unahang manufacturer na mabiyayaan nito.

“Ang tingin ko baka 2022 pa sila mag-aapply sa atin ng certificate of product registration,” Domingo said.

Bukod sa Pfizer, hula ni Domingo ay maaaring maging ‘commercially available’ o mabibili na sa merkado ang iba pang mga bakuna anumang petsa sa 2022.

 

Leave a Reply

%d bloggers like this: