PHARMALLY, IIMBESTIGAHAN DIN NG KAMARA

PHARMALLY, IIMBESTIGAHAN DIN NG KAMARA

HANDANG-HANDA  na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na pag-iimbestiga sa umano’y overpriced medical equipment na binili ng Department of Health (DOH) sa Pharmally Pharmaceutical Corp.

Ayon kay Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles, tinitiyak nitong ang gagawing imbestigasyon ng Kamara ay magiging matibay para makasuhan ang lahat ng sangkot sa naturang anomalya na nagsamantala sa pondo ng taumbayan.

“We are talking about precious government funds here. The sooner that we are able to categorically pinpoint wrongdoing and identify those that are directly involved, we should wrap up our investigation, file the necessary cases, and allow the wheels of justice to take its course,” ayon sa kongresista.

Sinabi pa nito na hindi na mangyayari ang mga nakalipas na congressional hearings na walang napaparusahan sa mga iniimbestigahan ng mga ito.

 “We need to get rid of the notion that our hearings are all drama bereft of real action. What must be underscored, however, is that we should still ensure transparency and accountability even with such relaxed procurement rules,” sabi pa ng kongresista.

“Let us all hope that we can conclude the investigation in the fastest way possible. Not just to ensure that we will be able to file cases asap, but also to make certain that most, if not all, of our attention as government officials are focused in resolving the COVID-19 pandemic,” dagdag nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: