TULONG PINANSYAL SA MEDIA WORKERS, IGINIIT

TULONG PINANSYAL SA MEDIA WORKERS, IGINIIT

Isinusulong ng mga kongresista ang panukalang pagbibigay ng financial and institutional support sa mga miyembro ng media at creative industry sa bansa.

Sa inihaing House Bill (HB) 8101, o ang Philippine Creative Industries Act, na iniakda ni Creative Industry and Performing Arts chair at Pangasinan Rep. Christopher “Toff” De Venecia, layon nito na mabigyan ng naayon na tulong ang mga mamamahayag.

Samantala, isa rin panukala, ang HB 8140 na inihain ni ACT-CIS Party-list Rep. Rowena “Niña” Taduran na naglalayong tiyakin ang security of tenure at mas magandang benepsiyo sa lahat ng nasa media industry.

“Magkapatid itong bills na ito,” sabi ni De Venecia sa virtual Ugnayan sa Batasan media forum.

Ang Philippine Creative Industries Development Act, na inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ay naglalayong magtatag ng Philippine Creative Industry Development Council at bumuno ng Philippine Creative Industries Development Plan.

“Ito ay isang panukalang kumikilala sa creative industries bilang lehitimong sector, na naglalayong magbigay ng proteksyon at suporta na galing sa estado para talagang matulungan at ma-accelerate ang kanilang development,” sabi ni De Venecia.

Naniniwala si De Venecia na sa pamamagitan ng suporta ng gobyerno ay hindi malayong maging creative powerhouse sa ASEAN region ang Pilipinas.

 “Even without the bill, we are already number one in terms of creative services, and number five in the export of creative goods within the ASEAN region. Now you will have a strategic planning and roadmapping for the growth and development and acceleration of these creative industries para ma-hit ‘yong targets,” paliwanag pa ni De Venecia.

Samatala, sa HB 8140 ni  Taduran, nais nitong maging professionalize ang media sector sa pamamagitan ng pagbibigay ng kompensasyon at job security.

“We want to professionalize ‘yong ating mga kasamahan sa industry, na mabigyan ng minimum wage,” sabi ni Taduran na nagsabing karamihan ng media workers ay itinuturing na “talent” ng ilang kumpanya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: