ELEKSYON PWEDENG UMABOT NG ALAS-9 NG GABI

ELEKSYON PWEDENG UMABOT NG ALAS-9 NG GABI

IKINUKUNSIDERA ng Commission on Elections (Comelec) na palawigin ng hanggang alas-9 ng gabi ang voting hours sa darating na halalan sa Mayo 2022 dahil sa umiiral pa rin na pandemya.

Mula sa kasalukuyang pagbubukas ng voting precincts dakong alas-6 ng umaga at pagsasara ng alas-6 ng gabi, maaaring i-extend ito ng tatlong oras pa upang maiwasan ang sabayang pagboto ng tao.

Sinabi ni Comelec chairman Sheriff Abas na isa ito sa pinag-aaralan lalo na kung makikita sa mismong araw ng eleksyon na magkakasabay-sabay sa pagtungo ng voting precincts ang mga tao at maaaring desisyunan agad-agad ng en banc.

“If everyone were to come like sunod-sunod, darating sila regularly then kayang-kaya to. We have 12 hours to begin with,” ayon naman kay Comelec spokesperson James Jimenez.

Maaari ring magpatupad ng mas mahabang ekstensyon sa mga lugar na ikinukunsidera na ‘COVID-19 hotspots’.

Para naman sa suhestiyon na gawing dalawa hanggang tatlong araw ang eleksyon, sinabi ni Abbas na kailangang amiyendahan ng Kongreso ang batas dahil sa nasa Konstitusyon na kailangang sa isang araw lang ito ganapin.

Leave a Reply

%d bloggers like this: