ANAK NG BILYORNARYONG SI ROBERTO ONGPIN, BINABANTAYAN NG IMMIGRATION

ANAK NG BILYORNARYONG SI ROBERTO ONGPIN, BINABANTAYAN NG IMMIGRATION

BANTAY-SARADO na sa kaling lumabas ng bansa ng Bureau of Immigration ang anak ni dating trade and industry minister Robert Ongpin na si Julian habang hindi nareresolba ang dahilan ng pagkasawi ng tanyag na pintor na si Bree Johnson.

Nabatid na naaresto si Julian nitong Setyembre 18 sa may San Juan, La Union at nakumpiska sa kaniya ang higit sa 12 gramo ng hinihinalang cocaine.

Dinakip si Julian sa parehong araw na natagpuan na walang buhay ang pintor na si Bree Johnson sa kuwarto na pareho nilang tinutuluyan. Hindi pa naman nagpapalabas ang mga awtoridad ng opisyal na dahilan ng pagkasawi ni Johnson.

Sinabi ni Guevarra na maaaring maitaas ang ILBO sa ‘hold departure order (HDO)’ kung magpe-petisyon ang panig ng prosecutor sa korte upang hadlangan na makalabas ng bansa si Julian.

Ayon naman kay Justice Undersecretary Emmeline Aglipay Villar, nakatakda na silang magsagawa ng ‘preliminary investigation’ makaraang sampahan na ng kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) si Julian.

Ngunti bago pa man, tila may epekto na ang impluwensya ng pamilya Ongpin,  Pinakawalan ng pulisya sa La Union si Julian makaraang ipag-utos ito ng inquest prosecutor habang nakabinbin pa ang preliminary investigation laban sa kaniya.

Nagsilbi kay dating Pangulong Ferdinand Marcos ang nakatatandang Ongpin at ngayon ay tinatayang may net value na higit 11 bilyong dolyar.

Leave a Reply

%d bloggers like this: