ONLINE KOPYAHAN, PATUNAY NA PALPAK ANG ONLINE LEARNING

ONLINE KOPYAHAN, PATUNAY NA PALPAK ANG ONLINE LEARNING

Isang patunay na hindi epektibo ang online learning sa mga mag-aaral sa natuklasang Online Kopyahan sa social media partikular sa Facebook.

Ito ang sinabi ni  Rizal Rep. Fidel Nograles kung saan nakakadismaya umano ang nabunyag na online kopyahan at nalalagay sa alanganin ang kasalukuyang  education set-up sa bansa.

“We cannot deny that this is not right but we need to look beyond the surface of online cheating. This is but a symptom of a bigger problem. Since last year, we have heard of the effects of online learning on the mental health of our students. As such, we need to be more understanding and solve this issue without being too punitive,” sabi nito.

Paliwanag pa ni Norgales na ang biglaang paglilipat mula sa silid-aralan ay naging online at modular education ay isang pasakit sa mga estudyante.

Aniya, sa online survey ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE) natuklasan na nasa 66% ng mga mag-aaral na nasa online learning ang nagsabing kakaunti ang natutunan kung ikukumpara sa  traditional face-to-face classes.

 “As of now, we need to understand that the government is just trying to protect our youth, a large percentage of which are not yet vaccinated, from COVID-19. A lot of us want to go back to traditional classroom learning in the soonest way possible but we need to make sure that it will be safe, not just for our students but also for our teachers,” ayon sa kongresista.

Leave a Reply

%d bloggers like this: