HAWAHAN NG VIRUS SA METRO MANILA, BUMABABA NA

HAWAHAN NG VIRUS SA METRO MANILA, BUMABABA NA

PATULOY na bumababa ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR)  makaraang maitala na lamang ito sa .99 mula sa nakaraang ulat na 1.03 habang gumaganda rin ang sitwasyon ng ibang lugar sa bansa, ayon sa OCTA Research Group nitong Huwebes.

Sinabi ni OCTA Group fellow Dr. Guido David na pinakahuling naitala na mas mababa sa 1.0 ang reproduction number ng Metro Manila noon pang nakaraang buwan ng Hulyo at umaasa sila na magtutuluy-tuloy na ito.

Ang reproduction number ay ang bilang na maaaring mahawa ng isang pasyenteng may COVID-19.

Bukod sa NCR, bumaba rin ang reproduction number sa isang lugar sa bansa. Kabilang dito ang Cavite na nasa 0.87 na lamang, Laguna na nasa .90, Bulacan na nasa 0.86, Cebu City na nasa 0.66 at Davao City na nasa 1.0.

Dahil dito, inaasahan na luluwag ang kapasidad ng mga pagamutan sa mga nabanggit na lugar sa mga darating na araw hanggang kalagitnaan ng Oktubre.

Sinabi pa ni David na nasa 4,674 daily average na kaso ang naitala ng NCR sa loob ng pitong araw. Mas mababa ito ng 20% sa 5,800 average na kaso ng sinundang linggo. Inaasahan rin na bababa na sa 4,000 kaso kada araw ang maitatala sa NCR sa katapusan ng Setyembre.

Leave a Reply

%d bloggers like this: