LIBRENG COVID 19 KITS SA BAWAT BAHAY, IGINIIT

LIBRENG COVID 19 KITS SA BAWAT BAHAY, IGINIIT

NANAWAGAN ang isang kongresista sa lahat ng local government units (LGUs) na mamahagi ng libreng COVID-19 kits sa mga  nasasakupan nito bilang solusyon sa pagtukoy sa mga tatamaan ng nasabing virus.

Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera bilang tulong sa gobyerno na masolusyunan ang patuloy na pagdami ng bilang na COVID-19 cases.

Inihalimbawa pa nito na dapat ibigay ng LGUs ang barangay health kits tulad ng face masks, face shields, sabon, rubbing alcohol, antiseptic mouthwash, vitamins partikular ang Vitamin D, at mga over-the-counter o generic medicines para sa mga may COVID symptoms.

“LGUs have funds flexibility. They have special funds for health and education. Their city or municipal councils can decide faster than the national legislature or national agencies and task forces,” aniya.

“Mayroong paraan para mamuhay nang safe kahit may COVID-19 pa sa ating bansa,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa ni Herrera, ang mga alkalde, konsehal at mga barangay officials ang dapat na manguna sa paglaban sa virus  at tularan ang bansang Singapore sa matagumpay na pagpuksa sa COVID-19 virus sa kanilang bansa.

“Following the Singapore example, mayors and barangays, especially those in NCR+,  can encourage and enable residents to immediately contact their doctor and their barangay BHERT by text or call when anyone in their home has the flu-like COVID symptoms,” sabi ng kongresista.

Leave a Reply

%d bloggers like this: