OPISYAL NG DOLE SA QUEZON CITY, NASA HOT WATER DAHIL SA TUPAD ANOMALY

OPISYAL NG DOLE SA QUEZON CITY, NASA HOT WATER DAHIL SA TUPAD ANOMALY

NASA ‘hot water’ ngayon ang field officer ng Department of Labor and Employment (DOLE) makaraang pabalikin sa kaniyang mother unit upang pagpaliwanagin sa isyu sa katiwalian sa programa nilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged and Displaced Workers (TUPAD).

Kinilala ni DOLE Secretary Silvestre Bello ang naturang opisyal na si Atty. Joel P. Petaca ng DOLE-National Capital Region Office.

“I want to know why he allowed such problems to happen in the delivery of TUPAD in Quezon City. He was supposed to monitor the program of our department. Was he negligent?” ayon kay Bello.

Kaugnay ito ng sumbong na nakarating kay Bello ukol sa alegasyon na kinakaltasan ang halagang pinasadahod sa mga benepisaryo habang marami rin umanong ‘ghost beneficiaries’ sa ilang distrito sa Quezon City.

Sinabi ni Bello na nagasagawa na sila ng imbestigasyon ukol dito at malapit nang matapos. Bibigyan nila ng pagkakataon si Petaca na magbigay rin ng kaniyang salaysay sa isyu.

Nagsasagawa na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) ng sariling imbestigasyon na hinihintay rin ngayon ng DOLE.

“Once all the reports are in, we will definitely go after the individuals behind this problem,” giit ni Bello.

Leave a Reply

%d bloggers like this: