P800M DAGDAG PONDO SA CANCER PATIENTS, ISINULONG

P800M DAGDAG PONDO SA CANCER PATIENTS, ISINULONG

Iginiit ng isang kongresista na magkaroon ng dagdag na P800 milyon ang Department of Health (DOH) sa 2022 para magamit sa cancer care and treatment.

                Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, chairman ng House Committee on Social Services ang panawagan nitong dagdag na pondo ay ilalaan sa  Cancer, Supportive Care and Palliative Care Medicines Access Program (CSPMAP) ng DOH mula sa P786 milyon at gagawing P1.586 bilyon.

Sinabi pa ni Vargas, pangunahing may-akda ng National Integrated Cancer Control Act (NICCA) o Republic Act No. 11215, ang sakit na cancer ang nangunguna sa listahan ng mga ikinamamatay sa Pilipinas na nasa 157,000 bagong kaso taun-taon.

                Paliwanag ng kongresista, ang P756 milyon ay sapat lamang sa 26,000 cancer patients na magagamit lamang na pambili ng gamot.

“With an additional P800 million budget for the 2022 CSPMAP, we can increase our target beneficiaries to about 60,000 patients or at least one-third of the cancer patients in the country,” aniya pa.

“While they appreciate that cancer care and treatment has been given a budget this year, their concern is that it would not be enough considering the current economic situation caused by the pandemic,” sabi ni Vargas

Leave a Reply

%d bloggers like this: