QUARANTINE LEAVE WITH PAY, ISINUSULONG

QUARANTINE LEAVE WITH PAY, ISINUSULONG

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang panukala para sa pagbuo ng mekanismo upang mabawasan ang negatibong epekto ng kasalukuyang pandemya at mga kahalintulad na pangyayari sa susunod na panahon.
Inihain ni Lapid ang Senate Bill 2404 para sa pagbibigay ng 28 paid quarantine leave kada taon na katumbas ng daily wage rate sa mga apektadong manggagawa sa public at private sectors.
Ang paid quarantine leave ay para sa mga manggagawang tatamaan ng sakit sa pagtupad sa knayang trabaho.
Hindi rin mahalaga ang employment status ng manggagawa sa panahon na tinamaan siya ng sakit.
Sa pamamagitan ng panukala, maiiwasan ang pagkalat ng sakit at matutulungan ang mga naapektuhan.
“Napakahirap at delikado ng panahon natin ngayon pero marami pa rin sa atin ang sumasabak sa panganib para lamang makapagtrabaho. Pero ang masaklap para sa ating mga masisipag at matatapang na manggagawa, oras na tamaan sila ng sakit gaya na lamang ng COVID-19, ‘di lamang sila gagastos sa pagpapa-ospital at pagbili ng gamot, ang ilan pa sa kanila ay walang sweldong matatanggap o nauubos ang leave dahil kanilang mag-quarantine. Kaya isinusulong ko ang panukalang batas na magbibigay ng hiwalay na quarantine leave benefits sa ating mga manggagawa para sa oras na tamaan man sila ng sakit, masisigurong may pantustos pa rin sila sa kanilang pamilya at may pambili ng gamot para sa agarang pagaling nila,” paliwanag ni Lapid.
Ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS), ang magre-reimburse ng paid quarantine leaves ng empleyado.
Gayunman, ang employer ang sasagot sa benepisyo kung mapapatunayang dahil sa kapabayaan nito ang dahilan ng pagkakasakit ng empleyado.
Kung tatanggi ang employer na magbayad ng quarantine leave benefit, papatawan ito ng multang mula P30,000.00 hanggang P200,000.
“Bagamat isinusulong ko ang hiwalay na quarantine leave benefits, mananatili pa rin dapat ang pagbibigay ng mga kumpanya ng sick leave, hazard pay at iba pang benepisyo na para sa mga empleyado. Pero sinisiguro na ang panukalang ito ay hindi lamang para sa ikabubuti ng mga empleyado kung hindi para din sa mga employers at sa buong bansa lalu’t napatunayan natin na ang mga nakahahawang sakit gaya ng COVID-19 ay lubhang nakasama sa ating ekonomiya kaya dapat lang na may handa tayong benepisyo na ibibigay sa mga tatamaan nito habang nasa trabaho,” diin pa ni Lapid

Leave a Reply

%d bloggers like this: