BATO PWEDE PANG MAGING NUISANCE

BATO PWEDE PANG MAGING NUISANCE

MAY posibilidad pa rin na tanghalin na ‘nuisance candidate’ si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa presidential elections kung mapapatunayan na walang ‘good faith intention’ ang kaniyang paghahain ng COC (Certificate of Candidacy) sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni dating Comelec commissioner Luie Guia na kailangan talaga na magkaroon ng pagdinig ang Comelec kung may alegasyon na ang kandidato ay wala talagang intensyon na tumakbo o gawing katawa-tawa ang proseso ng halalan.

Sinabi naman ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi madedeklarang nuisance ang isang kandidato sa pamamagitan lamang ng pag-amin na handa siyang makipagpalit sa isa pang kakandidato.

“A mere declaration to the contrary wouldn’t, in my opinion, be sufficient to overcome the intention to run which is manifested in the verified COC,” ayon kay Jimenez.

Reaksyon ito ni Jimenez sa mga opinyon na maaaring makabilang sa ‘nuisance candidate’ si Dela Rosa makaraang aminin na handa siyang magbigay kay re-electionist Davao City Mayor Sara Duterte sakaling naisin niya na tumakbo bilang pangulo ng bansa.

“The lack of a bona fide intention to run needs to be proven,” dagdag pa ni Jimenez.

 

Leave a Reply

%d bloggers like this: