MULTI-MILYONARYO SI MAYOR ISKO

MULTI-MILYONARYO SI MAYOR ISKO

MULA sa pagiging mahirap, tumataginting na P70 milyon na ang yaman ni Manila City Mayor Isko Moreno na nakuha nya sa pag-aartista hanggang maging politko.

“[My net worth is] about 70 million, more or less,” ayon kay Moreno sa Kapihan sa Manila Bay online forum.

Ngunit iginiit niya na malinis ang kaniyang track record at wala siyang anumang kaso ng korapsyon.

“As far as I am concerned, as of today, since 1998, 23 years of my life in government service, I was never charged of any corruption,” sambit pa ni Moreno.

Ngunit noong 2014, sinampahan si Moreno na noo’y bise alkalde pa ng Maynila at ibang opisyal ng plunder dahil sa pagbulsa umano ng P77 milyong halaga ng buwis sa real property.

Itinanggi ito noon ni Moreno at iginiit na pamomolitika lamang ang intensyon ng mga nagsampa sa kaniya ng kaso.

Bagama’t umamin na minsang nagsama ng mga Hapones sa casino, itinanggi rin ni Moreno sa isang panayam na siya ay sugarol at madalas sa mga casino.

Leave a Reply

%d bloggers like this: