COVID-19 VACCINATION SA MGA EDAD 12-17, LARGA NA

COVID-19 VACCINATION SA MGA EDAD 12-17, LARGA NA

UMPISA na ngayong Biyernes (Oktubre 15) ang ‘pilot-run’ ng COVID-19 vaccination sa kabataang nasa edad 12-17 taong gulang sa walong piling pagamutan sa Metro Manila makaraan ang pagdating ng mas maraming suplay ng bakuna buhat sa ibang bansa.

Uunahin na bakunahana ng Department of Health (DOH) ang mga batang may comorbidities katulad ng Down Syndrome, HIV, Cancer, Tuberculosis, at iba pa. Makakabilang sila sa “Pediatric A3” group.

Kabilang sa mga pagamutan na idaraos ang ‘pilot-run’ ang Philippine Children’s Medical Center, Fe del Mundo Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Philippine General Hospital, St. Luke’s Medical Center sa Taguig City at Makati Medical Center.

Sa Oktubre 22 naman magsisimula ang pagbabakuna sa 17 napiling ospital sa bawat lokal na pamahalaan sa NCR.

Pagsapit naman ng Nobyembre 5, magsisimula na rin ang vaccination sa mga bata sa mga rehiyon na higit 50% na ng mga senior citizen ang nabakunahan na.

Gagamitin ng DOH ang COVID-19 vaccine na Moderna at Pfizer na tanging nabibigyan pa lamang ng Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Leave a Reply

%d bloggers like this: