METRO MANILA NASA ‘MODERATE RISK’ NA

METRO MANILA NASA ‘MODERATE RISK’ NA

PATULOY ang pagbaba ng hawahan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) nang ilagay na ito sa ‘moderate risk’ ng OCTA Research Group.

“The NCR and all seventeen constituent LGUs were classified as moderate risk using our metrics (based on Covidactnow),” ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David.

Sinabi ni David na nas 0.60 na lamang ang reproduction number sa NCR habang ang ‘seven-day average’ ay naitala na lamang sa 1,847 na 30% mas mababa sa bilang noong nakaraang linggo.

Nasa 11% na lamang ang positivity rate sa NCR at bumaba na sa 49% ang healthcare utilization rate.  Sa kabuuan, may ADAR na 13.05 per 100,000 populasyon ang buong NCR.

Sa datos na nagmula sa DOH, tanging ang San Juan City na lamang ang may ‘critical risk’ sa ‘average daily attack rate (ADAR)’ na nasa 28.68 kada 100,000 populasyon habang ang mga siyudad ng Muntinlupa at Taguig na lamang ang may critical rate sa ICU utilization.

Leave a Reply

%d bloggers like this: