MARAWI COMPENSATION BILL PINASESERTIPIKAHANG URGENT SA MALAKANYANG

MARAWI COMPENSATION BILL PINASESERTIPIKAHANG URGENT SA MALAKANYANG

Nanawagan ang isang kongresista sa pamahalaan na madaliin ang pangakong rehabilitasyon sa nasirang mga kabahayan sa Marawi at pagpasa sa panukalang Marawi Compensation bill.

                Kasabay ng ika-4 taong pag-alala sa “liberation of Marawi”, sinabi ni Anak Mindanao party list Rep. Amihilda Sangcopan na dapat tuparin ng pamahalaan ang pangakong buhayin ang war-torn city upang makabalik na ang mga residente sa kanilang tahanan.

                Sinabi pa ni Sangcopan na bagama’t naniniwala ito sa pangako ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na ibabalik nito ang normal na pamumuhay ng mga taga-Marawi City  ay dapat na madaliin ito dahil na rin sa nahihirapan na ang mga ito.

                Kasabay nito, umapela si Sangcopan kay Pangulong Duterte na sertipikahang urgent ang Marawi Compensation bill na una nang naipasa sa huli at ikatlong pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

                “One doesn’t have to experience war to identify with the hardships of the people of Marawi. As a member of Congress, we are hoping and praying that the Marawi Compensation Act be legislated and commuted to Malacañang to become a law before the end of the year,” paliwanag ni Sangcopan.

                Pinasalamata din nito ang Senado sa pagpasa sa committee level ng Marawi Compensation bill na malaking tulong para mga biktima ng 2017 siege na sumira sa 24 Marawi villages at daan-daang Maranaos ang nawalan ng tirahan at nasa P17 bilyong halaga ng ari-arian ang naabo sa nasabing digmaan.

                “The people of Marawi all wish to go home. Back to their hometown kung saan sila ipinanganak, naging mga malayang musmos, namuhay ng marangal, at bumuo ng kani-kanilang pamilya.  Let us give them the chance to feel the normalcy of life back…a life they used to have four years prior. Let’s all be part in the rise of Marawi to its old or better glory as a City,” ani Sangcopan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: