LIDER NG INDIAN KIDNAP-FOR-RANSOM GANG, TIKLO SA PARANAQUE

LIDER NG INDIAN KIDNAP-FOR-RANSOM GANG, TIKLO SA PARANAQUE

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Paranaque City ang isang Indian national na miyembro ng isang gang ng kriminal at pinaghahanap sa kaniyang bansa dahil sa iba’t ibang mga kaso.

Iniulat kahapon ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto kay Bassapa Pujari sa isang operasyon sa may Dona Soledad Ave., Paranaque City ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit.

Isang overstaying at undocumented alien si Pujari na nagtatago sa Pilipinas mula pa noong 2016. Napaso na rin ang kaniyang pasaporte noong 2019.

Nakatala rin siya sa Interpol red notice noong Disyembre dahil sa dalawang warrant of arrest na inilabas ng dalawang korte sa India.

Nahaharap si Pujari sa mga kasong “extortion, preparation of murder with firearms, conspiracy, organized crime syndicate, at attempt to commit murder with criminal conspiracy to use illegal firearm.”

Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Pujari ay isang notoryus na gangster sa Bombay at Mumbai at sangkot sa kidnap-for-ransom ng mayayamang Indian.

Leave a Reply

%d bloggers like this: