MAY PANGANIB PA SA MALLS- DOH

MAY PANGANIB PA SA MALLS- DOH

MULING nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na hindi pa rin sila ligtas sa COVID-19 kapag pumupunta sa mga shopping malss lalo na kung magkakaroon ng siksikan.

Ito ang paalala ni DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire makaraang maglabasan ang mga tao sa bahay nang ibaba na ang Metro Manila sa Alert Level 3 noong Sabado.

Iginiit ni Vergeire na sa kabila na mas magaan na ang restriksyon, hindi ito dahilan para magpakampante ang tao dahil sa naririyan pa rin ang virus at maaari pa ring biglaang tumaas ang mga kaso.

“Bagamat marami na po sa atin ang fully-vaccinated, hindi pa po tayo pwedeng maging complacent at this point, let us remember na nakasalalay po sa atin kung tayo ay babalik ulit sa Alert Level 4 or kung babalik na naman sa cycle natin na tataas-bababa ang kaso,” paliwanag ni Vergeire.

Bukod sa mga malls, masikip na rin ang daloy ng trapiko dahil sa paglabasan ng mga pribadong sasakyan at dinagsa rin ang ibang mga pasyalan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: