MAYNILA, ISKO MORENO READY NA SA FACE-TO-FACE CLASSES

MAYNILA, ISKO MORENO READY NA SA FACE-TO-FACE CLASSES

NAGHAHANDA na ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa posibleng ‘pilot face-to-face classes’ sa pagsasaayos sa isang paaralang elementarya na maaaring pagdausan ng klase.

Ininspeksyon kahapon ni Manila City Mayor Isko Moreno ang Aurora Quezon Elementary School na kanilang binibihisan at nilalagyan ng mga kaukulang gamit para sa harapang klase. Kasama ng alkalde sa inspeksyon sina City Engineer Armand Andres at Division of City Schools Supt. Dr. Magdalena Lim.

“Naglalagay na tayo ng acrylic barriers para pumanatag kayo na pagbalik ng mga anak niyo may mga ginawa na ang pamahalaan para maingatan sila. So kapit lang,” ayon kay Moreno.

Bagama’t hindi pa parte ng talaan ng Department of Education (DepEd) na pagdarausan ng harapang klase, parte naman ang AQES ng talaan ng Manila City na puwedeng i-pilot.

“We would like to be ahead of the situation para if maghanap ang DepEd ng pwedeng pagsimulan ng limited face-to-face classes sa Manila, we will volunteer na yung school since we are ready,” paliwanag ng alkalde.

Sa huli, ang DepEd Central Office pa rin umano ang mag-aapruba kung saan isasagawa ang pilot face-to-face na klase.

Leave a Reply

%d bloggers like this: