MGA BATA SA METRO MANILA, MAKAKABIYAHE NA

MGA BATA SA METRO MANILA, MAKAKABIYAHE NA

LAYA na ang mga bata sa Metro Manila.

PINAYAGAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng mga alkalde na bumubuo sa Metro Manila Council (MMC) na makabiyahe ang mga bata na may edad 18-taong gulang pababa.

Inilabas kahapon ng MMDA ang Resolution No. 21-24 na pumapayag sa ‘interzonal at intrazonal travel’ ng mga bata. Pirmado ito ni Chairman Benhur Abalos at ng 17 alkalde ng Metro Manila.

“The intrazonal and interzonal travel of persons below eighteen (18) years old shall be allowed provided that these persons shall be accompanied by a parent or an adult guardian at all times,” ayon sa resolusyon.

Ang ‘intrazonal’ ay ang pagbiyahe sa mga lugar na may parehong ‘quarantine restrictions’ habang ang ‘interzonal’ ay ang pagbiyahe sa mga lugar na may magkakaibang ‘quarantine classifications’.

Nagpalabas ang MMDA at MMC ang resolusyon makaraang ibigay sa kanila ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang awtoridad na magdesisyon sa pagbiyahe ng mga bata sa kanilang nasasakupan.

Una namang pinayagan ng pamahalaan ang mga bakunado nang senior citizens na makalabas at makapunta ng mga shopping malls.

Leave a Reply

%d bloggers like this: