MICHAEL YANG AT MGA OPISYAL NG PHARMALLY, PAKAKASUHAN

MICHAEL YANG AT MGA OPISYAL NG PHARMALLY, PAKAKASUHAN

INILABAS na ng Senate Blue Ribbon Committee ang kanilang preliminary findings sa imbestigasyon sa kontrobersyal na procurement ng COVID-19 items sa gitna ng pandemya.
Sinabi ni Committee Chairman Richard Gordon na nais mun niyang ipakita sa kanyang mga kasamahan ang report.
Gayunman, tinukoy nito na kabilang sa kanilang rekomendasyon ang paghahain ng kaso laban sa Pharmally Pharmaceutical Corporation officials at kay dating economic adviser Michael Yang.
“Marami na po diyan ang malalagay… si Michael Yang, si (former DBM-Procurement Service chief) Christopher Lloyd Lao, ang Pharmally Pharmaceutical directors and officers na kasama sina Michael Yang, ang Pharmally Pharmaceutical na si Krizle Grace Mago, Mohit Dargani, Twinkle Dargani, ‘yung mga fraud na pineperpetrate na sina Lloyd Lao, sila  (Overall Deputy Ombudsman) Warren Liong, ‘yan po ang preliminaries na nakikita natin or partial report,” saad ni Gordon.
“‘Yung perjury, false testimony na ginawa ni Michael Yang, Linconn Ong, Grace Mago, ‘yung falsification of public documents under Article 171 of the Revised Penal Code na ginawa nila Warren Liong at tinulak si Mendoza at Tanquintic na sabihin na dumating ang produkto, samantalang walang dumadating, hindi pa nila nakita kung ano ‘yung mga produkto na ‘yan,” dagdag ng senador.
Binanggit din ng senador ang rekomendasyon na sampahan ng kasong paglabag sa Bayanihan To Heal As One Act at disobedience to summons si Yang at ang Pharmally executives.
“Disobedience to summons, ayan sila Linconn Ong, sina Mohit Dargani, Michael Yang, at saka Twinkle Dargani… violation of Bayanihan To Heal As One Act, Michael Yang, Linconn Ong, Pharmally Pharmaceutical Linconn Ong, Mohit Dargani, Krizle Grace Mago,” paliwanag ni Gordon.
“Disobedience to summons issued by Congress, Pharmally Pharmaceutical Linconn Ong, Mohit Dargani, Michael Yang, Twinkle Dargani,” dagdag ng mambabatas.
Maaari rin anyang kasuhan ang accountants ng kumpanya subalit wala pa anya silang pinal na desisyon.
“Malinaw na po ang unwarranted benefits, advantage, or preference o favoritism na ibinigay sa Pharmally na mayroon lamang pong P625,000. Halos P11 bilyon ang ibinigay sa isang maliit na korporasyon na walang experience nitong mga nilagay ng Pangulo dito sa PS-DBM na hindi malaman kung saan nanggagaling ang kapangyarihang ‘yan,” diin pa ng senador.
Idinagdag ni Gordon na dahil sa imbestigasyon nakita ang “unconscionable, unabashed, and unethical circumventions of our Republican way of governance.”
“Nadiskurbe po nating inuna ang kumita at makakuha ng komisyon o kickbacks, instead of coming up with the right way to quell the pandemic,” giit ni Gordon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: