POE SA GOBYERNO: PALAKASIN PA ANG VACCINATION ROLLOUT

POE SA GOBYERNO: PALAKASIN PA ANG VACCINATION ROLLOUT

HINIMOK ni Senadora Grace Poe ang gobyerno na pag-ibayuhin pa ang pagsisikap upang mapabilis ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Ito ay sa gitna ng bahagyang pagluluwag ng quarantine restrictions ease, gayundin ang pagbabalik ng limitadong face-to-face classes at pagtaas ng economic activities.
“Ang pagpapalawak ng vaccination program ay hindi lamang makakasalba ng mga buhay bagkus makatutulong din sa upang mabawasan ang lockdown measures upang maparami ang mabibigyan ng trabaho at mapalalago ang ekonomiya,” pahayag ni Poe.
Ang kailangang ngayon, dagdag ni Poe, ay ang mas malakas pang kampanya upang mahikayat ang publiko na tangkilikin ang mga bakuna na libre at malawakan nang tinatanggap.
Sinabi pa ni Poe na inaasahan ng taumbayan na pag-iibayuhin pa ng mga ahensya ng gobyerno lalo na ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga hakbangin upang mabakunahan ang mga hindi naabot na komunidad na higit na nangangailangan ng serbisyo sa gitna ng patuloy na pag-aalinlangan ng iilan sa mga bakuna.
“Dapat maramdaman ng taumbayan ang pangangalaga sa health system upang makapagbakuna sila saan man nila naisin para sa kanilang proteksyon,” giit pa ni Poe

Leave a Reply

%d bloggers like this: