2 PANG OPISYAL NG PHARMALLY, NAGTATAGO NA?

2 PANG OPISYAL NG PHARMALLY, NAGTATAGO NA?

BIGO ang Senate security officers na maaresto sina Pharmally Pharmaceutical Corporation officials Mohit Dargani at kapatid na si Twinkle sa kanilang tatlong condominium units sa Greenhills, San Juan city at Bonifacio Global city sa Taguig City.
Una nang ipinag-utos ng Senate Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Senador Richard Gordon ang dalawa makaraang i-cite for contempt sa pagtanggi na isumite ang mga hinihingi nilang dokumento hinggil sa kontrobersyal na deal ng korporasyon sa gobyerno.
Sinabi ni Retired General Rene Samonte, Senate sergeant-at-arms, na pinuntahan ng kanilang mga tauhan ang tatlong address ng dalawa subalit hindi nila ito nakita.
Ipinaliwanag ni Samonte na ang mga unit na isinumite ng dalawa ay pawang naka-locked at walang senyales ng kanilang presensya.
Sa ika-12 pagdinig kumite, iginiit ni Mohit Dargani na hindi nila isusumite ang mga dokumento batay na rin sa payo ng kanilang legal counsel.
Sa mga nauna hearings, sinabi ni Twinkle Dargani na hindi nila isusumite ang mga financial documents dahil protektado sila ng Bank Secrecy Law, Data Privacy Law at Corporation Code.

Leave a Reply

%d bloggers like this: