BI, MULING NAGBABALA LABAN SA MGA ILLEGAL RECRUITERS

BI, MULING NAGBABALA LABAN SA MGA ILLEGAL RECRUITERS

Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga nais mangibang bansa gamit ang pekeng dokumento na magdalawang-isip dahil hindi makakalusot ang mga ito sa mga tauhan ng ahensya.

                Ito ang payo ni BI Commissioner Jaime Morente sa nagpaplanong maging overseas Filipino workers (OFWs) na mag-ingat sa mga nagkalat na illegal recruiters sa buong bansa.

Tugon ito ni Morente kasunod ng pagkakaharang sa dalawang indibiduwal na nagkuwang mga turista sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay Morente, pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan sa mga nasagip para sa kaligtasan ng mga ito kung saan tinangka ng mga itong sumakay ng Emirates Airlines flight patungong Dubai noong Oktubre 7.

“We are currently in a pandemic, and it is disheartening to know that these illegal recruiters still have the audacity to take advantage of their fellows,” ayon sa BI chief.

                Sa imbestigasyon ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) officers, natuklasan nito ang pekeng company identification cards at certificates of employment ng isang  apparel company sa naturang bansa.

“They initially told our secondary inspectors that they were sent by an apparel company to attend training as sales representatives in the UAE. However, our officers found inconsistencies in their statements,” sabi ni Morente.

At sa pag-iimbestiga, umamin ang dalawang biktima na magtatrabaho sana ang mga ito bilang household service workers (HSWs).

“They will apparently be employed as household workers of an employee of the apparel company, and not under the company itself,” ayon pa sa BI.

“The main reason why we require all departing OFWs to be checked first by the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) is so we are sure that nobody will suffer the consequences of human trafficking. Be keen in transacting with these recruiters and always double-check their licenses and accreditations,” dagdag pa ni Morente.

Leave a Reply

%d bloggers like this: