MAS MAPANGANIB NA DELTA SUB-VARIANT, NAGBABANTA

MAS MAPANGANIB NA DELTA SUB-VARIANT, NAGBABANTA

MAS pinag-iingat ngayon ang publiko makaraang madiskubre ng mga health experts sa United Kingdom ang ‘sub-type’ ng Delta variant ng COVID-19 na posibleng mas lalo pang nakakahawa bagama’t patuloy ang pag-aaral ukol dito.

Sa ulat nitong nakaraang Biyernes ng UK Health Ministry, pansamantalang tinawag ang sub-type na AY.4.2 o ‘Delta Plus’.

Unang natukoy ito noong nakaraang Hulyo na nadiskubre sa 6% ng Covid-19 samples na isinailalim sa test umpisa nitong Setyembre 27. Nadiskubre rin ang maliit na bilang nito sa Estados Unidos, at Denmark habang may unang kaso na nito sa Israel.

Sa kabila nito, nanawagan si Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Technical Advisory Group (TAG) ng Department of Health (DOH), sa publiko na huwag mag-panic dahil sa kailangan pa ng maraming pag-aaral ukol sa bagong sub-variant.

Hindi pa rin naman aniya ito itinuturing na pormal na variant dahil parang Delta pa rin ito.

Kailangan lamang umano na patuloy na sumunod sa ‘minimum health standards’ ang publiko para makaiwas dito lalo na at naglabasan na ang mga tao ngayong nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila.

Leave a Reply

%d bloggers like this: