MGA EMPLOYER NA MAGPAPATUPAD NG ‘NO VACCINE, NO PAY POLICY’, KASUHAN

MGA EMPLOYER NA MAGPAPATUPAD NG ‘NO VACCINE, NO PAY POLICY’, KASUHAN

Pinatitiyak ng isang mambabatas sa Department of Labor and Employment (DOLE) na kakasuhan ang mga  employers na magpapatupad ng “no vaccine, no salary” scheme.

                Giit ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles hindi katanggap-tanggap na sa mga panahon ngayong may pandemya ay may ganitong usapin na lumalabas na pahihirapan ang mga maliliit na manggagawa.

 “Sa panahon ngayon na napakaraming naghihirap, lalong magdurusa ang mga arawan ang sahod sa ganitong sistema. I urge the Department of Labor and Employment to investigate this matter thoroughly and immediately put a stop to such an insensitive and illegal scheme,” ani Nograles.

Una nang ibinunyag ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ilang kumpanya ang tumatanging ibigay ang suweldo ng mga manggagawa nitong hindi pa nababakunahan.

Giit ni Nograles, hindi kasalaman ng mga hindi pa nababakunahan ang kakapusan ng supply ng bakuna kung kaya’t hindi dapat mangyari ang nais ng mga employers.

Dagdag pa ng kongresista, maraming mangagawa ang nakatira sa labas ng Metro Manila, tulad ng sa Montalban, San Mateo, Antipolo, Cainta at Taytay in Rizal; Obando, Meycauayan, Marilao at San Jose del Monte sa Bulacan; Bacoor, Dasmariñas, Cavite; at San Pedro, Laguna na pawang kulang ang supply ng bakuna.

“Huwag naman po sana natin parusahan ang mga manggagawa para sa mga bagay na wala naman silang kontrol. Ngayon, para sa mga kaso na may bakuna ngunit ayaw magpabakuna, mas mainam po na idaan na lang natin sa maayos na usapan at hikayatin sila kaysa parusahan,” ayon sa mambabatas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: