MOTORCYCLE FOR HIRE ACT, LUSOT NA SA HOUSE COMMITTEE

MOTORCYCLE FOR HIRE ACT, LUSOT NA SA HOUSE COMMITTEE

Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang operasyon ng lahat ng motorcycles-for-hire sa bansa.

Sa pagdinig ng House Transportation Committee na pinamunuan ni Samar Congressman Edgar Mary Sarmiento, inaprubahan nito ang 19 na panukala na magre-regulate sa operasyon ng mga motorcycles-for-hire kabilang ang motorcycle taxis at delivery services at ituring ang mga itong common carriers.

Paliwanag ng kongresista, malaki ang naitulong ng mga motorcycle taxis at motorcycle delivery sa ekonomiya ng bansa sa panahon ng pandemya.

Sa ilalim ng nasabing panukala, magtatalaga ng panuntunan, espesipikasyon at multa sa operasyon ng naturang mga motorcycle-for-hires kasama na ang pagsisiguro sa kaligtasan ng mga pasahero nito.

Nakasaad pa sa panukala na ang motorsiklo na gagamitin bilang motorcycle-for-hire ay kailangang irehistro sa Land Transportation Office (LTO) at naaayon sa Department of Transportation at sa rekomendasyon ng Department of Trade and Industry – Bureau of Philippine Standards (DTI-BPS).

“This would be a perfect Christmas gift for our thousands of motorcycle-for-hire riders. This law would surely free them from worries caused by possible policy shifts and law enforcement abuse,” sabi ni Sarmiento

Leave a Reply

%d bloggers like this: