DEPARTMENT OF FISHERIES ITATAYO NI YORME ISKO

DEPARTMENT OF FISHERIES ITATAYO NI YORME ISKO

PLANO ni Manila City Mayor at Aksyon Demoktratiko presidential candidate Isko Moreno na ihiwalay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Department of Agriculture at gawin na isang bagong departamento para matutukan umano ang mga programa ukol sa pangingisda.

“Ihihiwalay ko ito (BFAR) para may tamang tao o grupo ng tao na tututok sa mga concern ng Department of Fisheries and Aquatic Resources, habang mga eksperto sa bigas at high value crops ay mananatili sa Department of Agriculture,” ayon kay Moreno.

Nabuo ni Moreno ang plano nang tanungin ng isang mangingisda sa Tarlac ukol sa kung ano ang magagawa niya para mapataas pa lalo ang produksyon ng tilapia para maging sapat ang suplay nito lalo na at ito ang pinakamurang nakakain ng mga pamilya na nasa ikatlo at ikaapat na munisipalidad lalo na kung tag-ulan.

“Ang paglika ng DFAR na magkakaroon ng sentralisadong ahensya ay tututok sa sustainable development ng pangingisda sa bansa na pakikinabangan ng mga sektor ng pangingisda at maging ng susunod na henerasyon,” paliwanag ni Moreno.

“Kung ihiwalay natin ang BFAR sa DA, may katiyakan ang mga mangingisda, may katiyakan ang mga land-based agricultural products. Parehong may atensyon then may kapanatagan ang tao na meron siyang machi-chicha (food),” dagdag niya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: