FULL APPROVAL SA MGA BAKUNA KONTRA COVID, PINAMAMADALI SA FDA

FULL APPROVAL SA MGA BAKUNA KONTRA COVID, PINAMAMADALI SA FDA

Pinamamadali ng mga kongresista sa Food and Drug Administration (FDA) ang pag-apruba sa Moderna, Pfizer, AstraZeneca, Sputnik, at Janssen COVID vaccines dahil sa marami pa ring mga lalawigan sa bansa ang nagkukulang ng supply nito.

                “Noting the low vax rates in the regions, I throw my support to calls for the FDA issuance of full approval to the Moderna, Pfizer, AstraZeneca, Sputnik, and Janssen COVID vaccines,” apela ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun.

Sinabi naman ni House minority solon at BHW party list Rep. Angelica Natasha Co, na nasa 16 mula 17 rehiyon sa bansa ay hindi pa umaabot sa 35 porsiyento ang nababakunahan dahil na rin sa kulang ang supply ng COVID-19 vaccines.

“Kapag tinignan ninyo yung latest data, nagdudumilat yung katotohanan na 16 out of 17 regions sa Pilipinas ang ni hindi pa umaabot sa 35% ang bahagdan ng mga fully-vaccinated! Napakababa po niyan. Napag-iwanan talaga kaming mga taga-probinsya. Sa amin sa Bicol region 16.83% lang, ang BARRM mas kawawa,  9.47 percent lang,” sabi ni Co.

“There are wide gaps from shipment arrivals to transport and then to vax sites. Look closely at the figures…those gaps are in the order of tens of millions, not mere hundreds of thousands or a few millions,” dagdag nito.

Sinabi naman ni Fortun na bagama’t nauunawaan aniya nito na mas mahalaga ang National Capital Region (NCR) na maging strategic point, dapat naman aniyang hindi iwanan ang iba pang bahagi ng bansa.

“Full FDA approval will enable the private sector, the private hospitals, pharmacies, and the doctors to  order those vaccines directly without need for any pact with the NTF. Let the donated vaccines and procured vaccines be for the Filipinos who are  poor, the low income, and some of the middle income. Let those Filipinos and companies who can afford to or chose to buy their own vaccines from hospitals and pharmacies get those vaccines,” paliwanag pa ni Fortun.(

Leave a Reply

%d bloggers like this: