KAMPANYA NINA LACSON-SOTTO, MAS ORGANISADO KUMPARA KAY PRRD NOONG 2016

KAMPANYA NINA LACSON-SOTTO, MAS ORGANISADO KUMPARA KAY PRRD NOONG 2016

Naniniwala si Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez na mas mataas ang kumpiyansa nito na magiging susunod na Pangulo si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa 2022 kumpara noong kinampanya nito si dating Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Alvaresz matapos aniyang makita nito na double digit na si Presidential candidate Panfilo Lacson sa survey na ginawa ng Issues and Advocacy Center (CENTER) mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 8, 2021, 2,400 sample size, kung saan 12.5% ang naging preference rating ni Lacson na tumatayo rin bilang Chairman ng Partido Reporma.

Sa katunayan aniya, nagsimula ito sa 4% at tumaas patungo sa 8% sa mga nakaraang buwan hanggang nakamit ang 12.5%.

Dahil dito, dikit na umano si Lacson at si Vice President Leni Robredo sa survey rating at ayon pa sa CENTER, lumakas ang pagtangkilik sa senador sa Luzon at Visayas at inaasahan na lumakas din ito sa Mindanao dahil balwarte nito ang buong Davao del Norte.

“Halos pareho ang numero ni Lacson sa noo’y Mayor Rodrigo Duterte sa punto ng kanilang pagtakbo. Palagay ko din na mas maganda pa nga ang ang pagtanggap ng tao kay Lacson, dahil hamak naman na mas maayos magsalita at nasubukan na ang kakayahan ng Senador,” ayon kay Alvarez.

“Bigyan pa natin ng ilang buwan at mahahabol din ni Lacson ang ibang mga kandidato sa survey. Hindi rin kami magpapatinag na ikampanya siya sa Mindanao at sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil siya ang may katangian ng pagiging statesman na talagang hinahanap-hanap ng mga tao sa panahon na ito. Siya yung tunay na leader at hindi pretender,” dagdag ng kongresista

Leave a Reply

%d bloggers like this: