PAGBABAKUNA SA MGA SENIOR CITIZEN, PABILISIN PA

PAGBABAKUNA SA MGA SENIOR CITIZEN, PABILISIN PA

HINIMOK ni Senador Sonny Angara ang health authorities at local government units sa buong bansa na doblehin pa ang pagsisikap upag mas marami pang senior citizen ang mabakunahan kontra COVID 19.

Bagama’t nasa priority group ang mga senior citizen nang simulan ang vaccination program early this year, nasa 3.4 million pa lamang ng 8.5 million na elderly ang nabigyan ng first dose batay sa datos ng World Health Organization.

“It has been seven months since we started our vaccination program. Our health authorities, together with the LGUs should actively seek out our senior citizens and make sure that they receive their jabs at the soonest possible time,” saad ni Angara.

“We understand that many of our seniors have their apprehensions about being vaccinated against but the fact is that these vaccines have been proven to save lives. And considering that seniors are the most vulnerable to severe COVID-19, it is imperative that most, if not all, of them should be given protection,” dagdag ng senador.

Sa ulat ng WHO, nasa 3.4 million seniors pa ang hindi nababakunahan na ang karamihan ay nasa Regions 3, 4A, 7, 6, 11, 5 at 1.

Iginiit ni Angara na hindi na ang kawalan ng suplay ng bakuna ang problema at sa halip ay ang mga pamamaraan upang mabakunahan ang mga senior citizen.

“From what we are seeing now with the plans to provide a third dose to the health workers and vulnerable sectors and the rollout of the vaccination of minors, supply is no longer an issue. Kailangan na lang natin na gawan ng paraan para mabakunahan ang mga senior natin bilang isang urgent na isyu,” paliwanag ni Angara.

“We have seen a number of LGUs that have successfully done door-to-door vaccinations of senior citizens. They can serve as models for the other LGUs to replicate so that we can get more of our seniors protected against serious ailments related to COVID-19,” diin pa ng senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: