PHARMALLY OFFICIAL: HINOHOSTAGE KAMI NG SENADO

PHARMALLY OFFICIAL: HINOHOSTAGE KAMI NG SENADO

SA GITNA ng kanyang pagtatago matapos isyuhan ng warrant of arrest ng Senado, inakusahan ni Pharmally Pharmaceutical Corporate Secretary Mohit Dargani ang mga senador na hinohostage sila.
Sa press release na ipinadala sa Senate Media, sinabi ni Dargani na hindi patas ang pagtrato sa kanila ng Senate Blue Ribbon Committee.
“The Blue ribbon failed to treat us justly. Rather than impartially listening to us, they tried to get us to incriminate ourselves. They want us detained because we asserted our rights, they can’t get what they want to hear from us,” pahayag ni Dargani.
“Walang kinalaman ang Presidente sa transactions namin with PS-DBM. We are being falsely accused for political gain. Malapit na eleksyon and we are like hostages. Hindi na para sa bayan. But for their political survival,” dagdag nito.
Iginiit pa ni Dargani na kriminal ang trato sa kanila ng mga senador sa kabila ng pagrespetong ibinibigay nila.
Agad namang umalma si Senador Risa Hontiveros sa pahayag ni Dargani.
“Bakit naman kasi sa tuwing may nauungkat akong kababalaghan sa Pharmally, bigla na lang hindi makita ang kanilang mga executives? Noong una, si Ms. Mago na pinatotohanan yung witness sa tampering ng face shield, ngayon naman, si Mr. Dargani sa overpricing,” nagtatakang pahayag ni Hontiveros.
Iginiit pa ng senadora na sa haba ng itinakbo ng mga hearing, hindi pa rin nakukumpleto ng Pharmally ang mga dokumentong hinihingi ng Senado.
“What we have been asking for are basic documentary records of their transactions. These are documents that they are required to maintain for tax purposes. So where are they?” diin nito.
“If Pharmally can’t document the cost of goods sold, baka several billion pesos na ang tax deficiency nila. Base sa mga naihaing ebidensya sa senado, dapat na silang iaudit ng BIR,” patuloy ng senadora.
“Let me just remind Mr. Dargani, lahat ng resource persons sa mga hearing ay under oath. Kapag pabago-bago at hindi nagtutugma ang mga kwento nila, they are disrespecting the Blue Ribbon Committee and the Filipino people,” paalala ng mambabatas.
Muli iginiit ni Hontiveros ang suporta sa chairman ng kumite na si Senador Richard Gordon upang iparesto si Dargani at ang kapatid nitong si Twinkle dahil sa contempt.

Leave a Reply

%d bloggers like this: