4 DRUG PERSONALITIES, PATAY; MAHIGIT 100 ARESTADO SA ANTI-DRUG OPERATIONS

4 DRUG PERSONALITIES, PATAY; MAHIGIT 100 ARESTADO SA ANTI-DRUG OPERATIONS

APAT na drug personalities ang nasawi habang 141 ang nasakote kasabay ng pagkakakumpiska ng P263 milyong halaga ng shabu sa isang linggong operasyon ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) 3.

Ayon kay De Leon, patuloy ang pagsasagawa nila ng police operations upang sugpuin ang iba’t ibang iligal na aktibidad at pinaigting pa ang kampanya kontra droga na isa sa prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa report na isinumite kay de Leon, kabuuang 96 police operations ang isinagawa mula October 8 hanggang 14 na nagresulta sa pagkakaresto sa 141 drug personalities mula Oktubre 8 hanggang 14.

Nakumpiska rin sa mga operasyon ang 201.921 grams ng Shabu na may estimated value na P1,373,062 at 1,006 grams ng Marijuana na may estimated value na P120.720.00

Ang mga inarestong drug personalities ay kinasuhan na sa korte.

Samantala nasakote sa operasyon sa Subic, Zambales ang limang drug personalities kung saan nakumpisk ang 19 gramo ng shabu na may halagang P129,200.

Sa isa pang buy-bust operation, napatay ang apat na Chinese drug personalities sa Angeles City, Pampanga kung saan nakumpiska ang 38,000 gramo ng shabu na may halagang P262,200,200.00.

Sa anti-illegal gambling, kabuuang 28 operations ang isinagawa na nagresulta sa pagkakaaresto sa 115 katao at pagkakakumpiska ng bet money na P28,720.

Muling pinapurihan ni De Leon ang kanyang mga tauhan na patuloy sa pagtupad sa tungkulin upang matiyak ang peace and order sa rehiyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: