DE KALIDAD NA EDUKASYON, HIRIT NI CAYETANO

DE KALIDAD NA EDUKASYON, HIRIT NI CAYETANO

Nanawagan si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa kasalukuyan at susunod na pamahalaan na siguruhing magkakaroon ng pantay na oportunidad ang lahat ng Filipino sa pamamagitan ng magandang edukasyon.

                “Ang point po kasi, with the right equipment — education — gaganda ‘yung opportunity mo sa buhay,” sabi ni Cayetano sa isinasagawang Sampung Libong Pag-asa program para sa mga working students.

Ayon kay Cayetano, mahigit sa 90 porsiyento ng mga mag-aaral ang napipilitang maagang magtrabaho  para makatapos ng pag-aaral.

Inihalimbawa nito sa Taguig City na ang mga estudyante ay nabibigyan ng free education mula  pre-school hanggang kolehiyo upang matiyak ang socioeconomic opportunities sa lungsod.

Aniya, ang mga nagtapos sa high school sa Taguig ay awtomatikong nagiging scholars ng lungsod kung saan ang mga nasa kolehiyo at post-graduate ay nakakatanggap ng P15,000 hanggang P50,000 bawat isa.

Hindi rin itinanggi ni Cayetano na minsan na rin itong naging working student noong nasa kolehiyo pa bilang student assistant kung saan nakakatanggap ito ng P5 hanggang P6 na allowance kada oras.

“Nu’ng summer, nag-shipping clerk naman ako. ‘Yung ayusin mo ang mga produkto, box mo. Then naging konsehal ako nu’ng fifth year ko sa college. So first two years ko sa law school, nagtatrabaho rin ako bilang konsehal,” sabi pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: