DOLOMITE BEACH, SUPER SPREADER?

DOLOMITE BEACH, SUPER SPREADER?

PINANGANGAMBAHAN na maging ‘super spreader’ ang Manila Bay Dolomite Beach nang libo-libong tao ang dumagsa dito nitong Linggo dahilan dahilan para magpatupad ang pamunuan ng Manila Bay Coordinating Office ng pansamantalang pagsasara nito.

Sa datos ng MBCO, umabot sa 4,000 ang dumagsa nitong Linggo sa 1.2 ektaryang dolomite beach. Nasa 25,000 naman ang kabuuang bumisita sa loob ng isang linggo mula nang ibaba ang Alert Level 3 sa Metro Manila.

Dahil sa dami ng tao, nahirapan nang ipatupad ang ‘minimum health protocols’ partikular ang ‘physical distancing’. Hindi na rin nakukuha ang temparatura ng mga taong pumapasok at hindi na rin umano natatanong kung bakunado na sila.

Dahil dito, ipinag-utos ni MBCO deputy executive director Jacob Meimban Jr. na pansamantalang isang oras na isara ang pasukan sa may Pedro Gil at pinapunta ang mga tao sa may Remedios. Pinabalik sila ng isang oras kapag nakalabas na ang ibang tao na nasa loob ng beach.

Sinabi pa ni Meimban na isasara nila ang beach kada Biyernes para isailalim sa maintenance at lilimitahan na ang pagpasok ng mga bisita dahil sa banta na maging ‘superspreader event’ ang pagtitipon-tipon ng mga tao.

Leave a Reply

%d bloggers like this: