LIBO-LIBONG SASAKYAN NAKISALI SA MOTORCADE PARA KAY ISKO

LIBO-LIBONG SASAKYAN NAKISALI SA MOTORCADE PARA KAY ISKO

UMABOT umano sa higit 1,000 sasakyan ang nakisali sa isinagawang sorpresang motorcade kahapon ng mga tagasuporta ni Manila City Mayor Isko Moreno bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-47 kaarawan ng alkalde at ng kaniyang ‘running-mate’ na si Doc Willie Ong.

Nasa 1,000 motorsiklo at 100 kotse ang sumama sa motorcade na tinaguriang ‘Blue Wave Caravan’ na inorganisa ng mga alumni ng Tondo National High School, ang paaralang pinagtagpuan ni Moreno.

Nag-umpisa ang motorcade mula Moriones Street sa Tondo, bumagtas sa mga pangunahing kalsada ng Maynila, Quezon City, at Caloocan.

Dumaan rin ang motorcade sa Smokey Mountain landfill, na isa sa lugar na may malaking importansya sa buhay ni Moreno, at sa Manila City Hall.

Parehong nagdiwang ng kaarawan sina Moreno at Ong nitong Oktubre 23. Isinelebra ni Ong ang kaniyang ika-58 kaarawan.

Patuloy namang nanumpa sa Aksyon Demoktratiko ang dose-dosenang bagong miyembro. Kabilang dito ang ilang kandidato sa pagka-gobernador, mayor, at ilang lokal na posisyon sa Ifugao, Abra, Pangasinan, Nueva Ecija, Cavite at Eastern Samar. Dalawang party-list rin ang nanumpa sa Aksyon.

Tiwala ang kampo ni Moreno na marami pang ibang mga politiko at grupo ang aanib sa Aksyon Demokratiko sa mga susunod na araw.

 

Photo c/o IM Media

Leave a Reply

%d bloggers like this: