PAGTAAS NG SUICIDE AT DEPRESSION CASES, AKSYUNAN

PAGTAAS NG SUICIDE AT DEPRESSION CASES, AKSYUNAN

Umapela ang isang kongresista na iprayoridad ang panukalang batas na naglalayong solusyunan ang  dumaraming bilang ng nagpapakamatay at nakakaranas ng depresyon ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

                Ayon kay San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes kailangang agad na tugunin ng pamahalaan ang usapin ng mental health sa bansa.

Giit nito, marami nang natatanggap itong ulat na may  kinalaman sa mental health issues dulot na dala ng pandemya kung saan mas mataas ang kaso nito sa kasalukuyan kung ikukumpara sa mga  nakalipas na taon.

Ikinalulungkot aniya nito na hindi prayoridad ng pamahalaan ang mental health issues base sa 5 porisyento lamang ang inilaan sa pondo ng Department of Health (DOH).

Sinabi pa ni Robes na sa inihain nitong House Bill 9980, nais nitong magtayo ng mental health clinic sa San Jose Del Monte City sa Bulacan, na kauna-unahan sa bansa.

Sa kasalukuyan ay nasa Senado na ang nasabing panukala matapos na maipasa ito ng Kamara noong nakaraang buwan.

Paliwanag pa  ni Robes, ang itatayong mental health clinic sa SJDM ay popondohan at pamumunuan ng lokal na pamahalaan sa tulong ng DOH kung saan magkakaloob dito ng counseling and therapy, crisis counseling and intervention, medication, evaluation and management, group therapy, mindfulness meditation, after-hours care at iba pang may kaugnayan sa psychiatric services.

“I am hoping that these two bills get approved by the House of Representatives when session resumes next month and that the Senate moves in the same direction on mental health issues. This is an issue that is close to my heart because I know many people who are experiencing depression, anxiety, helplessness at this very difficult time. I myself have experienced those feelings when Covid-19 came close to our home,” sabi nito.

“I believe that as much as we work to address Covid-19, we should also give the same attention to our mental health because this is what will have a greater impact on our well-being as we recover from this pandemic and that is what I will continue to advocate in Congress and for the people of San Jose Del Monte City,” dagdag pa ni Robes.

Leave a Reply

%d bloggers like this: