10,000 KABATAAN NABAKUNAHAN NA KONTRA COVID

10,000 KABATAAN NABAKUNAHAN NA KONTRA COVID

KULANG sa 10,000 mga bata na kabilang sa 12-17 age group ang nabakunahan na kontra COVID-19 may 10 araw makaraan ang paglulunsad ng ‘vaccination for children’ ng pamahalaan noong Oktubre 15.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 9,928 minors na may problema sa kalusugan o comorbidities ang nabakunahan na sa ‘pilot implementation’ nito sa Metro Manila.

Sa naturang bilang, 10 pagkakataon lamang nagkaroon ng ‘adverse reactions’ sa mga bata. Tatlo ay may kaugnayan sa allergy, tatlo ay ukol naman sa ‘anxiety’, habang ang apat na reaksyon ay mas minor lamang.

“So far, wala pa tayong serious adverse reactions that were noted. But of course, we’re still monitoring these children… We will monitor them for this whole month,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Tanging gamit ng DOH sa bakunahan sa mga bata ang bakuna gawa ng Pfizer at Moderna na siya pa lamang nabibigyan ng ’emergency use authorization (EUA)’ ng Food and Drugs Administration (FDA).

Pinag-aaralan pa rin ng pamahalaan ang pagbakuna sa lahat ng edad ng bata na pumapasok na sa paaralan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: