BOOSTER SHOTS SA NOBYEMBRE NA

BOOSTER SHOTS SA NOBYEMBRE NA

MAY posibilidad na magbigay na ang pamahalaan ng COVID-19 vaccine booster shots sa darating na Nobyembre o kaya sa Disyembre sa oras na makapagpalabas na ang Food and Drugs Administration (FDA) ng ’emergency use authorization (EUA)’ para dito.

Ngunit nilinaw ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga ‘priority groups’ tulad ng mga healthcare workers muna ang uunahin na mabigyan ng booster shots.

“Ito pong parating na Nobyembre at Disyembre magawa natin kung lalabas po ‘yung emergency use authority na manggagaling sa Food and Drug Administration,” ayon kay Vergeire.

Kailangan umano kasi na maamiyendahan muna ng FDA ang inilabas na EUA sa mga COVID-19 vaccines para magamit na booster shots.

Ito ay makaraang aprubahan ni Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na magbigay ng karagdagang COVID-19 vaccines sa mga healthcare workers at iba pang priority groups.

Leave a Reply

%d bloggers like this: